Tuesday, April 29, 2014

Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon: Book Review + GIVEAWAY!

SI JANUS SILANG AT ANG TIYANAK NG TÁBON
Kuwento ni Edgar Calabia Samar
Inilimbag ng Adarna House, Inc. (2014)
Tungkol sa Aklat/Blurb
Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sai ba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

 Mayroon ring book tour na gaganapin sa:
May 10 - National Book Store SM North at May 17 - National Book Store Glorietta 5
***

  Ang "Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon" ay isang makabagong nobela na tumatalakay sa isang napahalagang parte ng mga alamat ng mga Pilipino: Ang Tiyanak. Ngunit hindi lamang ito tungkol roon sapagkat kasama rin sa istorya ang tungkol sa paglalaro ng computer games, pag-aaral at pakikitungo sa pamilya.

Isang madilim na mundo ang pinasok ng awtor sa kwentong ito. Madilim, ngunit napakaganda. Ang paglalarawan sa mga karakter ay mahusay kaya't madali mo silang ma-iimagine, pati na rin ang mga tagpo sa kwento. Aaminin ko, natakot ako lalo sa ibang pangyayari sa kwentong ito sapagkat ako'y nakatira sa isa sa mga lugar na binaggit sa kwento kaya't talagang naisip ko na "paano kaya kung mangyari ito?". Napakagaling din ng nagawang pagsasama ng mga bagay na nangyari talaga sa realidad at mga bagay na nangyari talaga sa kwento. Para sakin, magaling ang awtor sapagka't nakuha niya ang aking atensyon at natakot ako sa librong ito. 

Napapanahon rin ang mga ginamit na salita at talagang makaka-relate ang mga kabataan pati na rin ang mga bata sa puso. Nakakatuwa rin na mayroong libro na nagnananis mabalik ang atensyon at "curiosity" ng mga kabataan ukol sa mga alamat ng ating bansa. Oo nga't makabagong mundo na ito, ngunit mabuti pa rin na magbalik tanaw sa nakaraan at pag-aralan ang mga bagay na maaaring mas humubog sa iyo bilang isang Pilipino. Sana nga ay may English Translation rin ang libro upang maintindihan rin ng mga nasa ibang bansa, pero siguro, darating rin yun sa takdang panahon.

Madaming tanong na naglaro sa isip ko matapos basahin ang librong ito, kaya't lalo akong na-eexcite para sa mga susunod na installment pa ng librong ito.  Sa 60 libro na nabasa ko ngayong mga nakaraang buwan, masasabi kong isa ang "Janus Silang at Tiyanak ng Tabon" sa pinakamaganda at talagang inuulit ulit kong basahin. 


***

Tungkol sa Manunulat
Si Edgar Calabia Samar ay ipinanganak sa Lungsod San Pablo at nakapagsulat na ng dalawang nobela, ang Walong Diwata ng Pagkahulog (2009) at Sa Kasunod ng 909 (2012). Itong Janus Sílang series ang una niyang kathang YA. Nagtuturo siya ngayon ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Ateneo de Manila University. Mahigit sampung taon na ang nakararaan nang una siyang makakilala ng isang Púsong.

*Maaaring i-like sa FB ang Janus Sílang Series sa http://www.facebook.com/JanusSilang. Maaari ring i-follow si Edgar Calabia Samar sa @ecsamar sa Twitter. Bisitahin ang edgarsamar.com para sa iba pang akda ni Samar.


***
SUMALI AT MANALO!





a Rafflecopter giveaway

No comments:

Post a Comment