ANG IKAKLIT SA AMING HARDIN
Kuwento ni Bernadette Villanueva Neri
Guhit ni CJ de Silva
Salin sa Ingles ni Jennifer del Rosario-Malonzo
Layout ni Jennifer Padilla-Quintos
Inilimbag ng Publikasyong Twamkittens (2012)
Tungkol
sa Aklat
Aklat-pambatang tumatalakay
sa mga di-kumbensiyunal at di-tradisyunal na pamilya ang Ang Ikaklit sa Aming Hardin (2012). Partikular nitong tinutuunan ang mga hámong hinaharap ng isang
batang may dalawang nanay.
***
Isang Panayam kay CJ de Silva, ang gumuhit sa mga larawan sa libro
1. Ano sa tingin mo ang simbolismo ng bulaklak na Ikaklit sa kwentong ito at sa lipunan natin?
Naku, at the end of the day, siguro, si Det ang makakasagot niyan. Pero siguro, kung ako ang tatanungin, ito ang aking pananaw: Literal na reading ito — ang pangalan ni Ikaklit ay Bontoc para sa sunflower. So sa unang layer pa lang ng kwento (sa pangalan ng bida), ipinangalan na si Ikaklit sa isang bulaklak. So for me, the flowers symbolizes the individual and his relation to his/her family. Naihahalintulad ko ang pag-bloom ng isang flower sa pagmulat ng isang individual sa kanyang society.
2. Ano ang naging karanasan mo sa pag-guhit sa mga larawan sa libro? Masasabi mo ba na na-challenge ka rin dito, at gaano ito ka-espesyal sa iyo?
Napakasaya ng experience ko sa pagiging illustrator ng kwento ni Det. :) Challenge rin dahil first time kong mag-illustrate ng para sa mga bata, so syempre, kailangan kong mag-adjust in terms of colors. Subdued kasi ang color palette ko talaga - earthy and neutrals. Pero dahil para sa bata ang mga illustrations, pinaalalahanan ako ni Det na mas gumamit ng mga bright colors, para attractive para sa kanila. First time ko rin mag-illustrate ng umuulit na mga character, so kailangan kong gawing distinct ang mga features at styling sa mga characters — dapat malalaman mo kung sino si Ikaklit, sino ang mga nanay nya. At sa bawat spread, dapat, consistent ang mga itsura nila. :) Gaano ka-espesyal — syempre sobrang special for me. Una, dahil since college, favorite ko nang kwento ang Ikaklit. :) Pangalawa, napaka-swerte kong pumayag si Det na ako ang mag-illustrate ng kwento. Hindi naman ako talaga illustrator for children’s books. So napakaswerte kong ipinagkatiwala niya sa akin ang kwento. :)
3. Gaano nakakatulong ang mga larawan sa pagpapahayag ng menshae ng librong ito?
I think, bilang kwentong pambata ito, napaka-visual ng mga bata. Nakakatulong siguro ang mga illustrations para ma-attract ang mga bata na basahin ang kwento.
4. Isang mensahe para sa mga mahilig gumuhit gaya mo?
Magdrawing lang ng magdrawing. At i-try ninyong gamitin ang skill ninyo para makatulong, kahit na sa maliit na paraan. :)
5. At ang mensaheng nais mong iwanan ng librong ito sa mga mambabasa?
Ang kwento ng Ikaklit ay kwento ng acceptance — acceptance na lahat tayo ay iba-iba, walang tama o maling set-up ng pamilya. Wala ring pamilyang perpekto.
***
***
TUNGKOL SA MGA MANLILIKHA
NAGSULAT
Nagtapos ng MA Filipino: Malikhaing Pagsulat si Bernadette Villanueva Neri sa UP
Diliman at BA Mass Communication major in Journalism sa UP Baguio. Kumakatha
siya ng mga kuwentong pambata, sanaysay, dula, at maikling kuwentong lesbiyana
(na binansagan niyang “naratibô” o naratibo ng mga tibô). Kasalukuyan siyang
nagtuturo sa UP Diliman, kasabay ng pagkuha ng duktorado sa Malikhaing Pagsulat
sa parehong paaralan. Kasama niya ngayon sa bahay ang limang muning na tulad
niya’y mahilig din sa ikaklit at iba pang mga halaman.
GUMUHIT
Si CJ de Silva ay
nakilala bilang Promil Kid sa mga commercial nito noong 90s. Ngayon, si CJ
naman ang gumagawa ng mga patalastas bilang Art Director sa isang advertising
agency. Hilig pa rin niya ang magpinta at gumuhit.
NAGSALIN SA
INGLES
Nanay ng dalawang munting binibi si Jennifer del Rosario-Malonzo. Siya ay
isang manunulat, editor, mananaliksik, at aktibista. Nag-aral siya ng
peryodismo sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang
internasyunal na organisasyon. Mahilig siya sa tula at potograpiya, at nait
matutong maggitara.
Si Jennifer T.
Padilla-Quintos ay nanay ng dalawang masayahing batang sina Gaby at
Joaquin. Isa siyang graphic artist, art teacher at manggagawang pangkultura. Nagtapos
siya ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Para sa mas marami pang impormasyon ukol sa libro, bisitahin lamang ang mga sumusunod:
Para sa mas marami pang impormasyon ukol sa libro, bisitahin lamang ang mga sumusunod:
Panayam
sa mga manlilikha
Manunulat
(Det). http://www.youtube.com/watch?v=4IHOcloUho0
Gumuhit (CJ). http://www.youtube.com/watch?v=RxEVBijAvTc
Nagsalin sa Ingles (Ate Jeni). http://www.youtube.com/watch?v=nxKiDUJTxSk
Nag-layout (Ate Poti). http://www.youtube.com/watch?v=IHgrzEvcFAo
Mga Video Blurb
Vlad Gonzales (Guro, Kritiko, Manunulat).
http://www.youtube.com/watch?v=NdKF9QrQj74
Rose Torres-Yu (Guro, Kritiko, Manunulat). http://www.youtube.com/watch?v=aU9VZjx-zDU
Poti Padilla-Quintos (Nanay).
http://www.youtube.com/watch?v=_mGn5kV_5Nc
Ging, Rose & Roni (Rainbow Family). http://www.youtube.com/watch?v=PJSLAweBEbc
Roni (Batang may dalawang nanay).
http://www.youtube.com/watch?v=Net09DFwbXs
Teaser
http://www.youtube.com/watch?v=sadP76IWbaw
No comments:
Post a Comment