1) Ano sa tingin mo ang pinakamalaking impluwensiya o 'legacy" na naiwan ni Andres Bonifacio sa mga Pilipino? (What do you think is the biggest influence of Andres Bonifacio on Filipinos?)
Marami ngunit ang isang mahalaga, sa tingin ko, ay ang pagpapakita sa atin na kaya nating magkaisa at lumaban para sa anong nararapat sa atin. (There are a lot, but mainly, I think he showed us that we should be united and we should fight for what's right for us)
2) Sa pagsulat ng librong ito, ano ang iyong natutuhan? (What did you learn while writing this book?)
Marami talaga, lalo na ang mga hindi ko alam na bagay tungkol kay Andres B. Halimbawa, wala masyado akong alam sa kaniyang kabataan - hindi katulad kay Jose R. na maraming saliksik at kuwento tungkol sa kaniyang pagkabata. Higit sa lahat, natutuhan ko kung gaano kalabis magmahal si Andres B. sa kaniyang bayan, sa kaniyang pamilya, sa kaniyang asawa at iba pa. Sobrang naantig ako sa mga pinagdaan niya sa kaniyang buhay. (There were a lot, really, especially about things that I did not really know about him. I did not know a lot about his childhood since there were not that many books written about him, unlike with Jose Rizal. I guess the biggest thing I learned about him is that when he loves, he loves wholeheartedly--his love for his country and for his wife is a love that's really remarkable. I'm really inspired by everything he's gone through in his life)
3) Kung nabubuhay pa ngayon si Andres Bonifacio, ano sa tingin mo ang kaniyang masasabi sa mga kabataang Pilipino? (If Andres Bonifacio is still living today, what do you think will he say to the Filipino youth?)
Nakakatuwang tanong. Siguro, ipaalala niya sa atin na patuloy na mahalin ang bayan at mga taong pinili/pinipili nating mahalin. (Interesting Question. I think he would want us to remember that we should love our country, and love the people we choose to love)
4) Isang mensahe sa mga mambabasa. (A message to readers)
Sa mga batang mambabasa, sana ay makilala ninyo sa pamamagitan ng librong ito ang pagiging tao ni Andres B. at kung paano magagamit ang inyong kakayahan para sa kabutihan ng kapuwa. Sa mga medyo hindi na bata, muli nating kilalanin si Andres B. sa pagbabasa ng librong ito at paghahalungkat pa sa kaniyang buhay. (Kids, I hope that with the help of this book, you get to see that Andres Bonifacio is not just a hero, but he is a person, too. I hope you learn how to use your skills to help others and for the betterment of everyone. To kids at heart, let's get to know more about Andres Bonifacio through this book, and get to know more about his life, too.)
Mabibili na ang "Ngumiti Si Andoy" simula sa Nov 30! Happy Reading!
No comments:
Post a Comment